Font Size
Marcos 11:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Marcos 11:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Hindi niya pinahintulutang makapasok sa templo ang sinumang may mga dalang paninda. 17 Tinuruan (A) niya ang mga tao at sinabi niya, “Hindi ba nasusulat,
‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa?’
Ngunit ginawa ninyo itong ‘pugad ng mga magnanakaw!’ ”
18 Narinig ito ng mga punong pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Mula noon ay humanap na sila ng paraan upang maipapatay si Jesus. Natatakot sila sa kanya dahil maraming tao ang humahanga sa kanyang turo.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.