Font Size
Marcos 11:21-23
Ang Biblia, 2001
Marcos 11:21-23
Ang Biblia, 2001
21 Nang maalala ni Pedro ay sinabi niya sa kanya, “Rabi, tingnan mo! Ang puno ng igos na iyong isinumpa ay tuyo na.”
22 At sumagot si Jesus sa kanila, “Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Diyos.
23 Katotohanang(A) sinasabi ko sa inyo, na ang sinumang magsabi sa bundok na ito, ‘Mabunot ka at mapatapon ka sa dagat,’ at hindi nag-aalinlangan sa kanyang puso, kundi naniniwala na mangyayari ang kanyang sinabi, ay mangyayari nga iyon sa kanya.
Read full chapter