Add parallel Print Page Options

Ang Tanong tungkol sa Awtoridad ni Jesus(A)

27 Pagdating nila sa Jerusalem, bumalik si Jesus sa templo. At habang naglalakad siya roon, lumapit sa kanya ang mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at mga pinuno ng mga Judio. 28 Tinanong nila si Jesus, “Ano ang awtoridad mo na gumawa ng mga bagay na ito?[a] Sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na iyan?” 29 Sinagot sila ni Jesus, “Tatanungin ko rin kayo. At kapag sinagot ninyo, sasabihin ko kung ano ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:28 ng mga bagay na ito: Maaaring ang kanyang pagtuturo o ang pagtataboy niya sa mga nagtitinda sa templo.