Add parallel Print Page Options

Dinala nila kay Jesus ang batang asno. Isinapin nila sa ibabaw nito ang kanilang mga damit at sinakyan ito ni Jesus. Marami ang naglatag ng kanilang mga damit sa daanan. Ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga punong-kahoy at inilatag sa daan. Ang mga nauuna at mga sumusunod ay nagsisisigaw na sinasabing:

Hosana![a]Papuri sa kaniya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon!

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 11:9 Ito ay salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay iligtas mo kami (Ps.118:25).