Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga tungkol sa Masasamang Katiwala(A)

12 Nagsimulang (B) magsalita si Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga. “May isang taong nagtanim ng mga ubas sa kanyang bukirin. Binakuran niya ang ubasan, humukay ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng mataas na bantayan. Pagkatapos, pinaupahan niya iyon sa mga magsasaka, bago siya nagpunta sa ibang lupain. Nang dumating na ang panahon ng pag-aani, sinugo niya ang isa niyang alipin upang kunin sa mga magsasaka ang kanyang bahagi mula sa mga bunga ng ubasan. Ngunit sapilitang kinuha ng mga magsasaka ang alipin, binugbog at pinaalis na walang dala.

Read full chapter