Add parallel Print Page Options

34 Nang marinig ni Jesus na may katuturan ang mga sagot nito, sinabi niya rito, “Malapit ka nang mapabilang sa kaharian ng Dios.” Mula noon, wala nang nangahas na magtanong kay Jesus.

Ang Tanong tungkol sa Cristo(A)

35 Nang minsang nangangaral si Jesus sa templo, tinanong niya ang mga tao, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na ang Cristo raw ay lahi lang ni David? 36 Samantalang si David na mismo na pinatnubayan ng Banal na Espiritu ang nagsabing,

    ‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
    Maupo ka sa kanan ko
    hanggang sa mapasuko ko sa iyo ang iyong mga kaaway!’[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:36 Salmo 110:1.