Font Size
Marcos 12:34-36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 12:34-36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
34 Nakita ni Jesus na maganda ang sagot nito kaya't sinabi niya, “Hindi ka na nalalayo sa kaharian ng Diyos.” At mula noon ay wala nang nangahas na magtanong kay Jesus.
Ang Tanong ni Jesus tungkol sa Anak ni David(A)
35 Habang si Jesus ay nagtuturo sa Templo, sinabi niya, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na ang Cristo ay anak ni David? 36 Hindi(B) ba't si David na rin ang nagpahayag ng ganito nang siya'y gabayan ng Espiritu Santo:
“Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
‘Maupo ka sa kanan ko,
hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’”