Add parallel Print Page Options

36 Si(A) David mismo ang nagpahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo,

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
“Maupo ka sa aking kanan,
    hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway
sa ilalim ng iyong mga paa.”’

37 Tinawag din siya ni David na Panginoon; kaya't paano siyang magiging anak ni David?” At ang napakaraming tao ay tuwang-tuwa na nakikinig sa kanya.

Babala Laban sa mga Eskriba(B)

38 Sinabi niya sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga eskriba, na ibig magpalakad-lakad na may mahahabang damit, at batiin na may paggalang sa mga pamilihan.

Read full chapter