Add parallel Print Page Options

36 Hindi(A) ba't si David na rin ang nagpahayag ng ganito nang siya'y gabayan ng Espiritu Santo:

“Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
    ‘Maupo ka sa kanan ko,
    hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’”

37 Si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano siya magiging anak ni David?”

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan(B)

Napakaraming tao ang malugod na nakikinig sa kanya. 38 Sa kanyang pagtuturo, sinabi ni Jesus, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan na mahilig magpalakad-lakad na suot ang kanilang mahahabang damit at gustung-gustong binabati nang may paggalang sa mga pamilihan.

Read full chapter