Add parallel Print Page Options

37 Si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano siya magiging anak ni David?”

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan(A)

Napakaraming tao ang malugod na nakikinig sa kanya. 38 Sa kanyang pagtuturo, sinabi ni Jesus, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan na mahilig magpalakad-lakad na suot ang kanilang mahahabang damit at gustung-gustong binabati nang may paggalang sa mga pamilihan. 39 Ang gusto nila ay ang mga natatanging upuan sa mga sinagoga at ang mga upuang pandangal sa mga handaan.

Read full chapter