Add parallel Print Page Options

Muling nagsugo ang may-ari ng isa pang alipin, ngunit ito'y kanilang hinampas sa ulo at hiniya. Nagsugo ang may-ari ng isa pang alipin, ngunit pinatay naman nila ito. Ganoon din ang ginawa nila sa marami pang iba. Binugbog ang iba at ang iba nama'y pinatay. Iisa na lamang ang maaaring isugo ng may-ari, ang kanyang minamahal na anak. Sa dakong huli'y pinapunta nga niya ito, at iniisip, ‘Igagalang nila ang aking anak.’

Read full chapter