Font Size
Marcos 13:11-13
Ang Salita ng Diyos
Marcos 13:11-13
Ang Salita ng Diyos
11 Kapag kayo ay hulihin at dalhin sa hukuman, huwag kayong mabalisa kung ano ang inyong sasabihin. Huwag din ninyong pakaisipin kung ano ang inyong sasabihin. Subalit kung ano ang ipagkaloob sa inyo sa sandaling iyon, iyon ang inyong sabihin sapagkat hindi kayo ang magsasalita sa kanila kundi ang Banal na Espiritu.
12 Ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, ibibigay ng ama ang kaniyang anak. At ang mga anak ay maghihimagsik sa mga magulang at kanila silang ipapapatay. 13 Kayo ay kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan. Subalit siya na magtitiis hanggang wakas ay maliligtas.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International