Add parallel Print Page Options

14 Makikita ninyo ang kasuklam-suklam na tao na maninira, na nakatayo doon sa hindi niya dapat kalagyan. Isinulat ni Daniel na propeta ang patungkol sa kaniya. Unawain ito ng bumabasa. Kapag nakita ninyo ito, ang nasa Judea ay magmadaling tumakbo sa bundok. 15 Ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba sa bahay. Huwag na rin siyang pumasok upang maglabas ng anuman sa kaniyang bahay. 16 Ang nasa bukid ay huwag nang bumalik upang kumuha ng kaniyang kasuotan.

Read full chapter