Add parallel Print Page Options

20 Kung hindi babawasan ng Panginoon ang bilang ng mga araw na iyon ay walang taong makakaligtas. Subalit dahil sa hirang na kaniyang pinili, babawasan niya ang mga araw na iyon.

Ang Pagdating ng Paghahari ng Diyos

21 Kaya kung may magsabi sa inyo: Narito, ang Mesiyas ay narito na. O narito, ang Mesiyas ay naroon. Huwag ninyo itong paniwalaan.

22 Ito ay sapagkat mayroong lilitaw na mga bulaang Mesiyas at mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga tanda at mga kamangha-manghang gawa. Gagawin nila ito upang dayain kung maaari kahit ang hinirang.

Read full chapter