Font Size
Marcos 13:34-36
Ang Salita ng Diyos
Marcos 13:34-36
Ang Salita ng Diyos
34 Ito ay tulad ng isang taong naglakbay at lumabas sa lupain. Iniwan niya ang kaniyang bahay at ibinigay ang kapamahalaan sa kaniyang mga alipin. Binigyan niya ang bawat isa ng sariling gawain. Inutusan din niya ang tanod-pinto na magbantay.
35 Magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng bahay. Maaari siyang dumating sa gabi, o sa hatinggabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga. 36 Maaaring sa bigla niyang pagdating ay masumpungan kang natutulog.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International