Add parallel Print Page Options

Sa pagsagot ni Jesus sa kanila, nagsimula siyang magsabi: Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ninuman. Ito ay sapagkat marami ang darating sa aking pangalan. Sila ay magsasabi: Ako siya. At ililigaw nila ang marami. Kapag marinig ninyo ang mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan, huwag kayong mangamba. Ito ay sapagkat kailangang mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas.

Read full chapter