Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat marami ang darating sa aking pangalan. Sila ay magsasabi: Ako siya. At ililigaw nila ang marami. Kapag marinig ninyo ang mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan, huwag kayong mangamba. Ito ay sapagkat kailangang mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. Ito ay sapagkat may mga bansa na babangon laban sa bansa at mga paghahari laban sa paghahari. Magkaka­roon ng mga lindol sa iba’t ibang dako. Magkakaroon ng mga taggutom at mga kaguluhan. Ang mga ito ang simula ng kahirapang tulad ng mga nararamdamang sakit ng babaeng manganganak.

Read full chapter