Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat may mga bansa na babangon laban sa bansa at mga paghahari laban sa paghahari. Magkaka­roon ng mga lindol sa iba’t ibang dako. Magkakaroon ng mga taggutom at mga kaguluhan. Ang mga ito ang simula ng kahirapang tulad ng mga nararamdamang sakit ng babaeng manganganak.

Datapuwat ingatan ninyo ang inyong sarili sapagkat: Ibibigay nila kayo sa mga sanggunian at sa mga sinagoga. Kayo ay kanilang hahagupitin at dadalhin sa harapan ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin. Dahil sa mga bagay na ito, kayo ay magiging patotoo sa kanila. 10 Kinakailangang ipangaral muna sa lahat ng mga bansa ang ebanghelyo.

Read full chapter