Add parallel Print Page Options

31 Ngunit lalong naging matigas ang sinabi ni Pedro: Kung kailangang ako ay mamatay na kasama mo, kailanman ay hindi kita ikakaila. Gayundin ang sinabi ng lahat ng alagad.

Nanalangin si Jesus Doon sa Bundok ng Olibo

32 Sila ay dumating sa lugar na kung tawagin ay Getsemane. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Umupo kayo rito habang ako ay nananalangin.

33 Isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Nagsimula siyang mabagabag nang lubha at lubos na nahirapan ang kaniyang kalooban.

Read full chapter