Add parallel Print Page Options

39 Umalis muli si Jesus, nanalangin at inulit ang kanyang kahilingan. 40 Nang bumalik siya sa mga alagad, sila'y muli niyang nadatnang natutulog dahil sila'y antok na antok. Hindi na nila alam ang isasagot sa kanya. 41 Sa ikatlo niyang pagbabalik ay sinabi niya sa kanila, “Natutulog pa rin kayo at nagpapahinga? Tama na! Oras na! Ipinagkakanulo na ang Anak ng Tao sa kamay ng mga makasalanan.

Read full chapter