Font Size
Marcos 14:53-55
Ang Salita ng Diyos
Marcos 14:53-55
Ang Salita ng Diyos
Si Jesus sa Harap ng Sanhedrin
53 Dinala ng mga tao si Jesus patungo sa pinakapunong-saserdote. Ang lahat ng mga pinunong-saserdote at mga matanda at mga guro ng kautusan ay nagkatipon sa kaniya.
54 Samantala, si Pedro ay sumusunod sa kaniya sa may di-kalayuan hanggang sa patyo ng pinakapunong-saserdote. Siya ay nakiupo kasama ng mga tanod at nagpapainit sa apoy.
55 Ang mga pinunong-saserdote at ang buong Sanhedrin ay humanap ng saksi laban kay Jesus. Ito ay upang mapatay nila si Jesus. Ngunit wala silang nahanap.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International