Add parallel Print Page Options

68 Nagkaila si Pedro. Kaniyang sinabi: Hindi ko alam ni nauunawaan ang sinasabi mo. Siya ay lumabas patungong portiko at isang tandang ang tumilaok.

69 Nakita siyang muli ng isang utusang babae. Nagsimula siyang magsabi sa mga nakatayo: Siya ay isa sa kanila. 70 Muling nagkaila si Pedro.

Pagkatapos ng maikling sandali, ang mga nakatayo roon ay muling nagsabi kay Pedro: Totoong ikaw ay isa sa kanila sapagkat ikaw ay isang taga-Galilea at ang punto mo ay tulad sa isang taga-Galilea.

Read full chapter