Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat ang mga dukha ay lagi ninyong kasama. Tuwing nais ninyo, magagawan ninyo sila ng mabuti. Ngunit ako ay hindi ninyo laging kasama. Ginawa ng babaeng ito ang kaniyang makakaya. Ipinagpauna na niya ang pagpahid sa aking katawan para sa aking libing. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Saan man ipangaral ang ebanghelyo sa buong sanlibutan, ang ginawa niyang ito ay mababanggit. Ito ay magiging isang pag-alaala sa kaniya.

Read full chapter