Font Size
Marcos 15:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 15:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 “Bakit, ano ba ang kasalanan niya?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pang sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus!”
15 Sa paghahangad ni Pilato na mapagbigyan ang mga tao, pinalaya niya si Barabbas at si Jesus naman ay kanyang ipinahagupit, at pagkatapos ay ibinigay sa kanila upang ipako sa krus.
Hinamak ng mga Kawal si Jesus(A)
16 Dinala ng mga kawal si Jesus sa bakuran ng palasyo ng gobernador, at kanilang tinipon doon ang buong batalyon.
Read full chapter