Add parallel Print Page Options

Pinahirapan ng mga Sundalo si Jesus(A)

16 Dinala ng mga sundalo si Jesus sa loob ng palasyo ng gobernador at tinipon nila roon ang buong batalyon ng mga sundalo. 17 Sinuotan nila si Jesus ng kapa na kulay ube at gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya. 18 Pagkatapos, pakutya silang nagsisigaw, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”

Read full chapter