Add parallel Print Page Options

32 Tingnan nga natin kung makakababa sa krus ang Cristong ito na hari raw ng Israel! Kapag nakababa siya, maniniwala na tayo sa kanya.” Maging ang mga ipinakong kasabay niya ay nang-insulto rin sa kanya.

Ang Pagkamatay ni Jesus(A)

33 Nang mag-alas dose na ng tanghali, dumilim ang buong lupain sa loob ng tatlong oras. 34 Nang mag-alas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus nang malakas, “Eloi, Eloi, lema sabachtani?” na ang ibig sabihin ay “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?”[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:34 Salmo 22:1.