Add parallel Print Page Options

Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno(A)

18 Nag-aayuno noon ang mga alagad ni Juan at ang mga Fariseo. May mga lumapit kay Jesus at nagtanong, “Bakit nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at ng mga Fariseo, ngunit ang mga alagad mo ay hindi nag-aayuno?” 19 Sumagot si Jesus, “Maaari bang mag-ayuno ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal, hindi sila maaaring mag-ayuno. 20 Ngunit darating ang panahong kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal; doon pa lamang sila makapag-aayuno.

Read full chapter