Font Size
Marcos 5:19-21
Ang Salita ng Diyos
Marcos 5:19-21
Ang Salita ng Diyos
19 Hindi siya pinayagan ni Jesus. Sa halip ay sinabi niya: Umuwi ka sa iyong bahay, sa iyong pamilya. Ibalita mo sa kanila kung ano ang ginawa sa iyo ng Panginoon at kung papaano ka niya kinahabagan. 20 Siya ay umalis at nagsimulang maghayag sa Decapolis kung ano ang ginawa sa kaniya ni Jesus. Ang lahat ay namangha.
Ang Babaeng Maysakit at Batang Babaeng Patay
21 Si Jesus ay muling tumawid sa kabilang ibayo sakay ng isang bangka. Nagsiksikan sa kaniya ang napakaraming tao at siya noon ay nasa tabi ng lawa.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International