Add parallel Print Page Options

Pagbaba ni Jesus mula sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking galing sa libingan. Ang lalaking ito'y sinasaniban ng maruming espiritu. Siya'y naninirahan sa mga libingan at hindi mapigilan kahit ng tanikala. Madalas siyang iposas at itanikala, ngunit nababali niya at nalalagot ang mga gapos. Walang may sapat na lakas na makasupil sa kanya.

Read full chapter