Add parallel Print Page Options

35 Habang nagsasalita pa si Jesus, may ilang taong dumating mula sa bahay ni Jairo. “Patay na po ang inyong anak. Huwag na po ninyong abalahin ang Guro,” sabi nila.

36 Ngunit nang marinig ito ni Jesus,[a] sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang.”

37 At hindi pinayagan ni Jesus na sumama sa kanya ang mga tao maliban kina Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 5:36 nang marinig ito ni Jesus: Sa ibang manuskrito'y hindi pinansin ni Jesus ang kanilang sinabi .