Add parallel Print Page Options

39 Pagkapasok niya ay kanyang sinabi sa kanila, “Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata, kundi natutulog lamang.”

40 Siya'y kanilang pinagtawanan, ngunit pinalabas niya ang lahat at isinama niya ang ama at ang ina ng bata at ang kanyang mga kasamahan. Pumasok sila sa kinaroroonan ng bata.

41 Hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Talitha cum,”[a] na ang kahulugan ay “Munting batang babae, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka!”

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 5:41 Sa ibang mga kasulatan ay cumi .