Font Size
Marcos 5:41-43
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Marcos 5:41-43
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
41 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Talitha cum,”[a] na ang ibig sabihin ay “Neneng, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka!” 42 Kaagad namang bumangon ang batang babae at lumakad-lakad. Siya'y labindalawang taong gulang na. Labis na namangha ang lahat. 43 Mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag sabihin ang pangyayaring ito kaninuman. Pagkatapos, iniutos niyang pakainin ang bata.
Read full chapterFootnotes
- Marcos 5:41 Sa ibang manuskrito cumi.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.