Add parallel Print Page Options

24 Lumabas ang dalagita at tinanong ang kaniyang ina. Ano ang hihingin ko?

Sinabi ng ina: Ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo.

25 Nagmamadaling pumasok ang dalagita sa kinaroroonan ng hari at humingi na nagsasabi: Ibig kong ibigay mo kaagad sa akin ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo na nakalagay sa isang bandehado.

26 Ang hari ay lubhang nagdalamhati. Ngunit dahil sa mga ginawa niyang panunumpa at sa mga panauhin hindi niya matanggihan ang dalagita.

Read full chapter