Add parallel Print Page Options

Pinakain ni Jesus ang Limang Libong Lalaki

30 Ang mga apostol ay magkakasamang nagkatipun-tipon kay Jesus at iniulat sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kanilang ginawa at itinuro.

31 Sinabi ni Jesus sa kanila: Sumama kayo sa akin sa isang ilang na dako at mamahinga sandali. Dahil marami ang pumaparoon at pumaparito, wala na silang panahong kumain.

32 Kaya umalis silang lulan ng bangka patungo sa isang ilang na dako.

Read full chapter