Font Size
Marcos 6:36-38
Ang Salita ng Diyos
Marcos 6:36-38
Ang Salita ng Diyos
36 Paalisin ninyo ang mga tao upang pumunta sa mga karatig pook at nayon upang makabili sila ng kanilang makakain sapagkat sila ay walang makakain.
37 Subalit sinabi ni Jesus sa kanila: Bigyan ninyo sila ng makakain.
At sinabi nila sa kaniya: Aalis ba kami at bibili ng halagang dalawang daang denariong tinapay at ipapakain sa kanila?
38 At sinabi niya sa kanila: Ilang tinapay mayroon tayo? Lumakad kayo at tingnan ninyo.
Nang kanilang malaman sinabi nila: Limang tinapay at dalawang isda.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International