Add parallel Print Page Options

37 Subalit sinabi ni Jesus sa kanila: Bigyan ninyo sila ng makakain.

At sinabi nila sa kaniya: Aalis ba kami at bibili ng halagang dalawang daang denariong tinapay at ipapakain sa kanila?

38 At sinabi niya sa kanila: Ilang tinapay mayroon tayo? Lumakad kayo at tingnan ninyo.

Nang kanilang malaman sinabi nila: Limang tinapay at dalawang isda.

39 Inutusan sila ni Jesus na paupuin nang pangkat-pangkat sa luntiang damo ang lahat ng mga tao.

Read full chapter