Font Size
Marcos 7:11-13
Magandang Balita Biblia
Marcos 7:11-13
Magandang Balita Biblia
11 Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina, ‘Naihandog ko na sa Diyos[a] ang mga tulong ko sa inyo’; 12 ang taong iyon ay hindi na ninyo pinapatulong sa kanilang mga magulang. 13 Sa gayong paraan, pinapawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga itinuturo ninyo. At marami pa kayong ginagawang katulad nito.”
Read full chapterFootnotes
- Marcos 7:11 NAIHANDOG KO NA SA DIYOS: Sa kulturang Judio, ang anumang naihandog na sa Diyos ay hindi na maaaring gamitin pa ng iba, maging ng mga magulang ng naghandog.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.