Add parallel Print Page Options

11 Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina, ‘Naihandog ko na sa Diyos[a] ang mga tulong ko sa inyo’; 12 ang taong iyon ay hindi na ninyo pinapatulong sa kanilang mga magulang. 13 Sa gayong paraan, pinapawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga itinuturo ninyo. At marami pa kayong ginagawang katulad nito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 11 NAIHANDOG KO NA SA DIYOS: Sa kulturang Judio, ang anumang naihandog na sa Diyos ay hindi na maaaring gamitin pa ng iba, maging ng mga magulang ng naghandog.