Marcos 7:3-5
Ang Salita ng Diyos
3 Ito ay sapagkat ang mga Fariseo at lahat ng mga Judio ay hindi kumakain malibang makakapaghugas sila sa natatanging paraan ng kanilang mga kamay. Pinanghahawakan nila ang kaugalian ng mga matanda. 4 Kapag galing sa pamilihang dako, hindi rin sila kumakain nang hindi muna sila naghuhugas[a] ng kanilang sarili. Marami pang ibang mga bagay ang kanilang pinanghahawakan na kanilang tinanggap at sinusunod. Ito ay tulad ng paglubog ng saro, ng banga, ng mga kagamitang tanso at ng mga higaan.
5 Kayat tinanong siya ng mga Fariseo at ng mga guro ng kautusan. Bakit hindi lumalakad ang mga alagad mo ayon sa mga kaugalian ng mga matanda? Subalit kumakain sila ng tinapay, na hindi naghuhugas sa natatanging paraan ng kanilang mga kamay.
Read full chapterFootnotes
- Marcos 7:4 Ito ay ang paghuhugas upang hugasan ang kanilang sarili sa natatanging paraan.
Copyright © 1998 by Bibles International