Add parallel Print Page Options

Ang Pagpapagaling sa Lalaking Bingi at Pipi

31 Muling umalis si Jesus sa lupaing nasasakupan ng Tiro at Sidon, at dumating siya sa lawa ng Galilea hanggang sa sakop ng Decapolis.

32 Kanilang dinala sa kaniya ang isang lalaking bingi na nahihirapang magsalita. Ipinamanhik nila sa kaniya na ipatong niya sa lalaking ito ang kaniyang mga kamay.

33 Nang mailayo siya ni Jesus mula sa napakaraming tao, isinuot niya ang kaniyang daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura si Jesus at hinipo ang dila nito.

Read full chapter