Add parallel Print Page Options

Kapag galing sa pamilihang dako, hindi rin sila kumakain nang hindi muna sila naghuhugas[a] ng kanilang sarili. Marami pang ibang mga bagay ang kanilang pinanghahawakan na kanilang tinanggap at sinusunod. Ito ay tulad ng paglubog ng saro, ng banga, ng mga kagamitang tanso at ng mga higaan.

Kayat tinanong siya ng mga Fariseo at ng mga guro ng kautusan. Bakit hindi lumalakad ang mga alagad mo ayon sa mga kaugalian ng mga matanda? Subalit kumakain sila ng tinapay, na hindi naghuhugas sa natatanging paraan ng kanilang mga kamay.

Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Tama ang pagkahayag ni Isaias patungkol sa inyo, mga mapagpaimbabaw. Ito ay gaya ng nasusulat:

Iginagalang ako ng mga taong ito sa pamama­gitan ng kanilang mga labi, ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 7:4 Ito ay ang paghuhugas upang hugasan ang kanilang sarili sa natatanging paraan.