Add parallel Print Page Options

26 Pinauwi siya ni Jesus sa kaniyang bahay na sinasabi: Huwag kang papasok sa anumang nayon at huwag mo itong sasabihin sa kaninuman.

Ang Pahayag ni Pedro Patungkol sa Mesiyas

27 Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay umalis patungo sa mga nayon ng Cesarea Filipo. Habang sila ay nasa daan,tina­nong sila ni Jesus: Ayon sa sinasabi ng mga tao, sino raw ako?

28 Sumagot sila: Ang sabi ng iba: Si Juan na tagapag­bawtismo. Ang sabi ng ilan: Si Elias. Ngunit ang iba ay nagsabing ikaw ay isa sa mga propeta.

Read full chapter