Add parallel Print Page Options

16 Tinanong sila ni Jesus, “Ano'ng pinagtatalunan ninyo?” 17 Sumagot sa kanya ang isa mula sa karamihan, “Guro, dinala ko rito ang aking anak na lalaki na sinasaniban ng isang espiritu na sanhi ng kanyang pagkapipi. 18 Tuwing siya'y sasaniban nito, ibinubuwal siya, bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang kanyang mga ngipin at siya'y naninigas. Hiniling ko sa iyong mga alagad na palayasin ang espiritu ngunit hindi nila magawa.”

Read full chapter