Add parallel Print Page Options

Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus(A)

Pagkaraan (B) ng anim na araw, ibinukod ni Jesus sina Pedro, Santiago at Juan at isinama sa pag-akyat sa isang mataas na bundok. Nagbagong-anyo si Jesus sa harap nila. Nagningning sa kaputian ang kanyang damit, kaputiang hindi kayang gawin ninuman sa daigdig. Nagpakita rin sa kanila doon sina Elias at Moises na kapwa nakikipag-usap kay Jesus.

Read full chapter