Add parallel Print Page Options

Naging puting-puti ang damit niya at nakakasilaw tingnan. Walang sinuman dito sa mundo na makakapagpaputi nang katulad noon. At nakita nila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Jesus. Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Guro, mabutiʼt narito po kami![a] Gagawa kami ng tatlong kubol:[b] isa po para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:5 kami: o, tayo.
  2. 9:5 kubol: sa Ingles, “temporary shelter.”