Marcos 13:32-36
Ang Biblia (1978)
32 Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay (A)walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.
33 Kayo'y mangagingat, (B)mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon.
34 Gaya (C)ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin, sa bawa't isa'y ang kaniyang gawain, ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat.
35 Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga;
36 Baka kung biglang pumarito ay kayo'y mangaratnang nangatutulog.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978