Add parallel Print Page Options

42 At (A)nang kinahapunan, sapagka't noo'y (B)Paghahanda, sa makatuwid baga'y ang araw na nauuna sa sabbath,

43 Dumating si Jose na taga Arimatea, isang (C)kasangguni na may marangal na kalagayan, na (D)naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus.

44 At nanggilalas si Pilato kung siya'y patay na: at nang mapalapit niya sa kaniya ang (E)senturion, ay itinanong niya sa kaniya kung malaon nang patay.

45 At nang matanto niya sa senturion, ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose.

46 At binili niya ang isang kayong lino, at pagkababa sa kaniya sa krus, ay binalot siya ng kayong lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato; at iginulong niya ang isang bato hanggang sa pintuan ng libingan.

47 At (F)tinitingnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya nalagay.

16 At (G)nang makaraan ang sabbath, (H)si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at (I)si Salome, (J)ay nagsibili ng mga pabango, upang sila'y magsiparoon at siya'y pahiran.

At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw.

At kanilang pinaguusapan, Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan?

At pagkatingin, ay nakita nilang naigulong na (K)ang bato: sapagka't yao'y totoong malaki.

At pagkapasok sa libingan, ay (L)kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at sila'y nangagitla.

At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagitla: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya!

Datapuwa't magsiyaon kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay (M)Pedro, Siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea: doon siya makikita, (N)ayon sa sinabi niya sa inyo.

At sila'y nagsilabas, at nagsitakas mula sa libingan; sapagka't sila'y nagsipangilabot at nangagitla: (O)at hindi sila nangagsasabi ng anoman sa kanino man; sapagka't sila'y nangatatakot.