Font Size
Marcos 7:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 7:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay nanggagaling sa puso at dahil sa mga ito ay nagiging marumi ang tao.”
Pinagaling ang Anak ng Babaing Taga-Tiro(A)
24 Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lugar na malapit sa Tiro [at ng Sidon].[a] Tumuloy siya sa isang bahay doon at ayaw niyang malaman ninuman na naroon siya. Subalit hindi ganoon ang nangyari. 25 Ang pagdating niya'y nabalitaan ng isang babae na may anak na babaing sinasapian ng masamang espiritu. Pumunta agad kay Jesus ang ina at nagpatirapa sa kanyang harapan.
Read full chapterFootnotes
- 24 at ng Sidon: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.