Add parallel Print Page Options

Ang Simula ng Pangangaral sa Galilea(A)

14 Nang ibinilanggo si Juan, nagpunta si Jesus sa Galilea at ipinangaral doon ang Magandang Balitang mula sa Diyos. 15 Sinabi(B) niya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos![a] Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan ninyo ang Magandang Balita!”

Read full chapter

Footnotes

  1. 15 Malapit nang maghari ang Diyos!: o kaya'y Naghahari na ang Diyos .