Add parallel Print Page Options

12-16 At pagkatapos na sila'y maging bihag sa Babilonia hanggang sa ipanganak si Jesus, ang mga ninuno niya ay sina: Jeconias, Salatiel, Zerubabel, Abiud, Eliakim, Azor, Sadoc, Aquim, Eliud, Eleazar, Matan, Jacob, at si Jose na asawa ni Maria. Si Maria ang ina ni Jesus—ang tinatawag na Cristo.

17 Samakatuwid, may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa pagkabihag ng mga Israelita sa Babilonia at labing-apat din mula sa pagkabihag sa Babilonia hanggang kay Cristo.

Isinilang si Jesu-Cristo(A)

18 Ito(B) ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nagdadalang-tao na si Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Read full chapter

16 Si Jacob ang ama ni Jose, na asawa ni Maria, na siyang nagsilang kay Jesus, na tinatawag na Cristo. 17 Kaya't may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat na salinlahi mula kay David hanggang sa pagkadalang-bihag sa Babilonia, at labing-apat ding salinlahi mula sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo.

Isinilang ang Cristo(A)

18 Ganito ang pangyayari sa pagsilang ni Jesu-Cristo. Nang si Maria na kanyang ina ay ipinagkasundong ikasal kay Jose, bago sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Read full chapter